Posts

Showing posts from March 29, 2012

Kung Di Lang Ikaw

Image
Sa bawat tibok ng puso Walang ibang nais madama Kung di ang lagi kang makasama. Sa bawat ngayon at bukas Walang nais pag-alayan Ng tunay na pagmamahal. Sa bawat pintig ng kaibuturan Walang ibang hanap Kung di ang haplos ng iyong kamay. Sa bawat takip-silim Walang ibang nais paglingkuran Kung di ang iyong kaharian. Sa bawat pagpatak ng ulan Walang ibang inasam makapiling Kung di ang buo mong katauhan. Sa bawat ihip ng hangin Walang ibang yayakap Kung di ang init ng iyong yapos. Sa bawat pangarap Walang ibang tutupad Kung di ang mabuhay sa piling mo. Sa bawat sandali Sa bawat pagbukas ng mga mata Sa bawat paglubog ng araw Kung di lang ikaw... Puso ko'y titigil sa pagpintig. Kung di lang ikaw... Di na lang iibig.