Posts

Showing posts from March 20, 2012

IKAW na Mommy... The BEST ka !!!

Image
Sa umaga pagkagising... handa na dapat ang gagawin sa buong maghapong darating. Bibili ng ulam Maglalakad lang... Ehersisyo na ito kung kanyang ituring kahit na usok ng mga sasakyan ang  kanyang sasagapin.

Dati pa nga Nang musmos pa si Maki Kanyang dala-dala Sa tindahan ni Violy. Mabuti nga ngayon naiiwan na nya Di na tumatahol… Hinihintay na lang sya.

Pagdating sa bahay Isa-isa na nyang lilinisin Ang mga pinamiling Ihahain sa hapag. Tubig sa gripo, tunay nyang kailangan Matalas na kutsilyo At plastic na sangkalan.

Haharap sa lababo Nang may ilang oras. Pagkatapos nuo’y Sa mainit na kalan. Naihiwalay na rin ang mga puti Sa de kolor… Ngayong araw rin pala… Ang kanyang paglalaba.

Inilagay ang mga damit Sa washing machine. Ang pulbos na sabon Ay dinagdag na rin. Isenet ang timer, hudyat ng pag-ikot. At habang nakasalang… Kakaain ng agahan Kasabay si Itay na galing eskwelahan.

Sa tuwing umaga Ay super busy talaga Ang Inay na ito Na tila walang kapaguran. Habang natutulog pa Ang mga…