Bilog na Prutas sa Media Noche
Sa tuwing sasapit ang huling araw ng taon
Maraming pamahiin ang mga Pilipino
Samu't saring paniniwala na galing sa Tsino
Nasanay na ang Pinoy na mamili sa palengke
O kaya supermarket sa mga ayaw maputikan
Nagsisiksikan, minsan pa'y nagkakatapakan
Sa pagpili ng bilog na prutas para sa hapag-kainan.
Labindalawa raw ang dapat na ihain
O kaya labintatlo para lucky 13
Pero ayon sa intsik na may-ari ng ENG BEE TIN
Walo talaga... INFINITY ang ibig sabihin.
Bakit bilog at hindi ibang hugis
gaya ng pahaba na tulad ng saging?
COINS daw ang katumbas ng bilog na prutas
Gaya ng mansanas , bayabas at peras.
Ano ba ang tunay na kahulugan nito
Kung ito ba'y susundin, giginahawa ba tayo?
Sa palagay ko'y iba-iba ang opinyon ninyo
Kaya't sagutin ang katanungang ito?
Ano ba ang magpapaunlad sa buhay ng tao?
Ang pagsunod ba sa mga paniniwalang tulad nito
O sa prutas na bunga ng pinaghirapan
Makakamtan ang tunay na diwa ng kasaganahan?
ang galing ng ginawang mong tula!! Pasok n pasok sa bgong taon! I m sure everyone will read this will feel the new year! xx
ReplyDeleteUsong uso ang bilog ngayon. Maligayang bagong taon Marri!
ReplyDeleteKaibigan isa itong kultura
ReplyDeletena dapat isagawa
Sa maniwala ka o hindi
walang mawawala
Bagaman tanong mo'y
may bigat na dapat pag-isipan
Ito nama'y gawi na
Walang ikasasama
Dili nga ba'y Kultura ito
ng kasiyahan at pagharap
sa napipintong pag-uha
ng isang batibot ng pag-asa
hahaha! tingin ko naman wala. kase ang dame kong ginawang ek ek last yr e wala namang nangyare.. it is us who makes our own fate. pero sige, gawen na lang naten ang tradisyon for fun. tama?? tama!!!
ReplyDeleteYou are a gifted poet! Great poem about round fruits and New Year. Happy New Year!
ReplyDeleteAng galing naman nito! :) Di man ako mahilig sa mga superstitions, nakagawian na namin na may mga bilugang prutas sa hapag kainan. Ngayon, 8 klase ang prutas namin :)
ReplyDeleteMaligayang bagong taon sis!!!
i don't believe on this prutas na bilog na pampaswerte but it is also fun to have fruits on the table every new year,after all fruits are healthy to eat.
ReplyDeleteAww, nice poem! Buti ka pa you have inspiration to write poetry pa din. :( It's been so long since I've written one!
ReplyDeletebut you know, despite the fact that i don't really believe in myths, i don't think there's anything wrong with trying to. :)
Malay mo, the gods will come down one day to check. charot. I guess it's all part of our tradition kasi. :)
Happy New Year!
isa ako sa nag effort tlaga na kumpletuhin ang basket ng mga bilog na prutas hehehe. Happy new year po :)
ReplyDeleteLast poem i did, twas when i was in 1st year highschool pa. But i must say that this is impressive work! :) HAPPY NEW YEAR!
ReplyDeleteI don't collect fruits during New Year's eve but I buy the fruits that I want to eat. hehe
ReplyDeleteHappy new year to you and your family! My most favorite bilog na prutas is grapes :D
ReplyDeletewe buy fruits for new year pang tanggal ng sawa. i personally don't believe that those round fruits will bring money and luck. we can't depend on them to bring the good things in our life
ReplyDeleteIn our family tradition, yung lolo ko may dugong Kastila. ang nakasanayan namin ay kumain ng 12 na ubas pagsapit ng hating-gabi ng January 1. Yung lola ko naman na kapatid ng lolo ko nag asawa ng instik kaya nahati ang mga paniniwala nila. Sa bahay ni lolo UBAS lang ang center of attraction. Sa bahay ni lola basket full of fruits naman. Sa ngayon sinusunod namin ang estilo ng mga Kastila.
ReplyDeletehehehe sabi nga nila new year lang makatikim ng grapes dahil mahal happy new year mye
ReplyDeleteI just noticed a 'Chico' .. reminds me what my mom told me that it's kinda a bad luck to collect fruits with black seeds.. dunno. just a belief I guess. hehe
ReplyDeleteKakaaliw naman ng tula mo. Sa totoo lang sa Pinoy 12 prutas kahit hindi bilog..
ReplyDeleteNapakaganda ng tula mo, tamang-tama ang rima. Sa akin, basta hindi nakakasakit sa kapwa o taliwas sa ating paniniwala, walang masama sa pagsunod sa tradisyon.
ReplyDeleteI dont believe in that pamahiin. just read Deuteronomy 18:10-12, hindi totoo na walang mawawala
ReplyDeleteGaling naman ng tula ! May nabasa pa ako tungkol sa bilog >> Maswerte ang paghanda ng mga bilog na prutas tuwing Bagong Taon . . . Maswerte daw ang magsuot ng damit na maraming bilog kapag bagong taon dahil ito ay simbolo ng pera. . . Maswerte ang maghagis ng mga barya papasok sa bahay sa araw ng pagbasbas ng bagong bahay at tuwing bagong taon.. . . :)
ReplyDeleteNakakamiss ang New Year celebration sa Pinas. Pinoy food, bilog na prutas, karaoke, family and friends around having fun. Sana next year eh makapagcelebrate ako ng New Year's Eve sa Pinas with my family.
ReplyDeleteHappy new year!
me nagsasabing walo at meron ding labing tatlo. well, we have our own beliefs... important thing we feel good doing it and we never lose hope. happy new year, marri. Yahweh bless.
ReplyDeleteMagandang pamahiin ito... sana magkatotoo. Kung sa bagay iba-t ibang paniniwala ng bawat tao ayun sa kanilang ginagisnan. Sa totoo lang di kami naniwala sa mga prutas na magbibigay ng swerte sa susunod na bago taon.
ReplyDelete