Repleksyon...
Hinubog ng mga kamay
Nililok sa kawalang-malay.
Ang taglay na talino'y
kaloob ng Maykapal.
Pinuhunan ay pagsisikap
Ang tubo ay karangalan.
Natatanging inspirasyon sa lahat ng tagumpay,
Ay ang binhing nagbigay ng
payak na buhay
At sa mahabang paglalakbay,
May aninong sumasabay.
Saan patutungo ang daang napili?
Dinanas ay sakit at
at sanlaksang pighati.
Bato at buhangin
sa binistay na pagkatao,
Umahon sa pagkalunod...
Bumangon sa pagkabigo.
Sa pagdaloy ng agos
sa ilog ng karimlan
Hinagupit ng alon, humampas sa likuran.
Lumuha ng lubos
sa natamong kalupitan.
Sa mundong naiiba at
hindi pangkaraniwan.
Sadya nga yatang tadhana'y mapagbiro
Kung sino ang hanap ng puso
ay tila nagtatago.
Patuloy na maglalayag...
Walang tigil na kakampag.
Hanggang matunton
ang himig na katugon.
Malayo-layo na rin
ang narating ng mga paa.
Malawak na rin ang
sisidlan ng kaisipan.
Unti-unti nang nababakas sa mga mata
ang pag-asang
magbubuo sa
nawasak na katauhan.
At ngayon ay handa nang sagupain
ang mas matatarik na bangin.
Buong loob na sisisirin
mga balong malalalim.
Upang ang anino sa tubig
ay makitaan ng ngiti...
Tunay na kagalakan ang ipinapahiwatig.
Napakaganda at napakamakahulugang tula. Lahat ng dinanas noong nakaraan ay sya din ang magpapalakas sa atin sa kasalukuyan.
ReplyDeleteang ganda naman ng pagkaka-compose ng tula, makahulugan gaya ng sabi ni Franc, ang galing ng repleksyon sa tubig
ReplyDeleteAwesome work. I might try this one some time.. :)
ReplyDeleteAng kagandahan ng repleksyon :) ... Magandang basahin at ang mga larawan may repleksyon sa tubig...
ReplyDeleteang ganda ng tula .. kodus!!!
ReplyDeletehappie bday sa kanya!!
aww! ang galing! ang sweet. <3
ReplyDeletea poem for a brother... a very nice present... i know you'll stay close til you both get old... Yahweh bless.
ReplyDeleteHappy birthday to your brother! You write a poem like a pro one, or should I say you really are. Keep it up! ;-)
ReplyDeleteAww I love this poem! At Naka relate ako! Parang made for me... Swak na swak! ;)
ReplyDeletewow, i really admire people who make poems for their sibling.
ReplyDeletehappy birthday to your bro!!
ReplyDeleteWOW! ang galing...
ReplyDeleteIto na siguro ang regalong hindi puwedeng lagyan ng presyo dahil galing sa puso.
ReplyDeletehappy birthday to your bro! I presume you're close as siblings? I too am close with my big brother, much like bestfriends. I hope my 2 kids will grow close with each other also.
ReplyDeletehappy bday to your brother! What a great poem for him :) and i love the reflection effect on your photos! :)
ReplyDeleteNice one, though I don't have this relationship with my lil' bro, at least hindi kami foes. Hehe.. What a good relationship you have with your brother, eh?
ReplyDeleteKeep it up, the poem is nice.
Aking hinagangaan ang iyong sinulat na tula. nawa'y magpatuloy ang ganitong gawain :)
ReplyDeleteA birthday greeting to your bro...Grabe san mo hinuhugot yun lalim ng tagalog. Ang ganda...:D
ReplyDeleteIsang magandang tribyut sa iyong kapatid. Pakanton naman kayo hahaha.
ReplyDeleteNapakagandang tula para sa iyong kapatid. I'm sure he's very proud.
ReplyDeleteWow! Grabe sa effort! What's the app you used here? So cool!
ReplyDeletethanks :)
Deletereflecting water ... credits to lunapic
happy birthday sa kapatid mo :)
ReplyDeletenice poem para kay kapatid! I'm sure he'll get through whatever he's facing now kasi andyan ka for him. Happy birthday sakanya! :)
ReplyDeleteWow so sweet naman of you to your kuya.... Very wonderful poem!
ReplyDeleteawww, a brother's love in a poem. I wish I can write in Tagalog, a poem written in the language seems more poignant.
ReplyDeleteAww how sweet of you!
ReplyDeletePunung-puno ng damdamin ang mga linya mo. Ipagpatuloy mo ang pagsusulat. Maligayang kaarawan sa iyong kapatid. Nawa'y bigyan kayo ng marami pang taon na magkasama. Mabuhay kayo.
ReplyDeleteIts nice to see, that you and your brother have a strong bond
ReplyDeleteAWW!!! Ang sweet naman. Hindi ko kayang sabihin ang mga ganyang talata, pero men, saludo ko sayo.!!! nice writting at vissual effects!!!
ReplyDeleteCool animation. Happy birthday to him. Gifts from the heart can never par with material things. :)
ReplyDeletewow, super galing!
ReplyDeleteBigla kong naalala ang aking high school years. Mahilig din akong magsulat ng mga tulang kagaya nito! Ok yan, napakagandang pa-birthday para sa kanya.. At ang galing ng animation ah...Mapag-aralan nga din yan, hehe
ReplyDeleteAkmang-akma ang mala-tubig na litrato sa tula. Di ko man alam ang ibang salita (dahil ako'y Ilonggo), dama ko pa rin ang saloobin ng may-akda.
ReplyDeleteNanosebleed ako. But belated happy birthday to your brother! :)
ReplyDeleteGaling naman! Nice poem. =)
ReplyDeleteNice ang galing....
ReplyDelete