IKAW na Mommy... The BEST ka !!!
Sa umaga
pagkagising...
handa na dapat ang gagawin
sa buong maghapong darating.
Bibili ng ulam
Maglalakad lang...
Ehersisyo na ito kung kanyang ituring
kahit na usok ng mga sasakyan
ang kanyang sasagapin.
Dati pa nga
Nang musmos pa si Maki
Kanyang dala-dala
Sa tindahan ni Violy.
Mabuti nga ngayon naiiwan na nya
Di na tumatahol…
Hinihintay na lang sya.
Pagdating sa bahay
Isa-isa na nyang lilinisin
Ang mga pinamiling
Ihahain sa hapag.
Tubig sa gripo, tunay nyang kailangan
Matalas na kutsilyo
At plastic na sangkalan.
Haharap sa lababo
Nang may ilang oras.
Pagkatapos nuo’y
Sa mainit na kalan.
Naihiwalay na rin ang mga puti
Sa de kolor…
Ngayong araw rin pala…
Ang kanyang paglalaba.
Inilagay ang mga damit
Sa washing machine.
Ang pulbos na sabon
Ay dinagdag na rin.
Isenet ang timer, hudyat ng pag-ikot.
At habang nakasalang…
Kakaain ng agahan
Kasabay si Itay na
galing eskwelahan.
Sa tuwing umaga
Ay super busy talaga
Ang Inay na ito
Na tila walang kapaguran.
Habang natutulog pa
Ang mga pagal na anak…
Ay inihanda na rin pala
Ang nilutong kape at almusal.
Sa maliit na espasyong
Kanyang kinikilusan,
Kaunting tunog at ingay
Ay di maiiwasan.
Habang wala pang gising
Sa mga kasamahan,
Ay tatanghod sa labas o
Makikipagkwentuhan.
Noong wala pa akong
Yaya kay Kiko…
Malapit pa sa bahay nila
Ang aming tinitirhan.
Paghatid naming kay Pye
Diretso nang chikahan
Naming mag-ina
Nang kung anu-ano lang.
Ang sabi nila…
Ako ang kanyang paborito.
Ang sabi ko naman,
“Hindi yan totoo.”
Sadyang iba lang
Ang aming turingan.
Palibhasa’y panganay…
Dakilang ate lang ako.
Sa dinami-rami
ng kanyang ginagawa…
minsan nga’y sabay-sabay
ang trabahong sisimulan.
Ngunit, pag nahapo
Uupo sa harap ng TV
Kahit siya’y Kapamilya
Manonood ng Eat Bulaga.
Doon magsisimula
Ang kanyang siesta.
Hanggang mapaidlip…
Isip nya’y napahinga.
Biglang mamumulat, kanyang mga mata
Nag-iisa na sya sa bahay
Dahil ang lahat,
ay nasa office na.
Simula’t sapol
Siya ay nagsilbi, nag-aruga at naggabay
Sa aming paglaki.
Isang butihing maybahay
Ilaw ng aming tahanan.
Isang dakilang INA… walang kapara.
Na mahal na mahal namin
Di man madalas naming sambitin.
Ang kanyang mga apo
Na nagbibigay aliw
Sina Aya, Mitch at Dave
KD, Clarence at Kiko…
Mahigpit nilang yakap
At matamis nilang halik
Sa kanya’y nagpapasaya
Sa kanya’y nagpapaligaya.
At ngayon sa kanyang kaarawan
Nais kong ibahagi
Sa maraming makababasa…
Ipinakikilala ko
Ang pinakakaibang INA
Na inalay ang buhay nya
At lakas ng katawan
Maitaguyod lamang ang kanyang
pinakakmamahal na PAMILYA.
HAPPY BIRTHDAY MOMMY !
happie bday tita.. ang ganda ng poem ha...
ReplyDeleteNakakatouch naman :D I suddenly miss my mom while reading :(
ReplyDeleteHerbert
I love your poem Marri! I used to write a lot of poems back in the day. I guess I just got lazy. Nonetheless, I love your poem. Missed my tita-mommy tuloy!
ReplyDeleteLufet mo sister! Very heartwarming and very true!
ReplyDeleteNothing sweeter for a mom than to read a poem written by her daughter. Sweet!
ReplyDeleteThis is so touching! Iba talaga pag tagalog asa puso talaga ag oag gawa! Happy birthday to your mom!:)
ReplyDeleteHappy Birthday to your mom!
ReplyDeleteThank you for sharing this. A mom's love and sacrifice couldn't have been written any better.
ReplyDeleteisang napakagandang tribute para sa isang ina sa kanyang kaarawan. Ang ganda, nakaka-touch.
ReplyDeleteDirections on Web
wow napaka sweet mo naman
ReplyDeletetunay ka, dapat nating ipagmalaki, katangi-tanging ina, walang ng makahihigit pa sa kanyang pagmamahal.
ReplyDeletehappy birthday to ur mom. (i suddenly missed my mom...and dad )
happy birthday to your mom!!!
ReplyDeletesuch a sweet daughter!
Awww, ang sweet naman at ang galing. Bilib talaga ako sa mga nakakagawa ng ganito. And this is cute kasi tungkol talaga sa routine ni Mommy at kung paano nya kayo alagaan.
ReplyDeleteHappy birthday to your mom =)
This is so sweet and touching. Happy birthday to your mom! :)
ReplyDeleteA heartfelt message..napaka sweet mo. Your mom is pretty.
ReplyDeleteAng sweet at nakakatouch naman <3 :)-mitch
ReplyDeletevery touching :) Happy Birthday to your Mom :)
ReplyDeleteNice piece, perfect for mother's day!
ReplyDelete