Posts

Showing posts from October 6, 2008

Magkapalad

Image
CREDITS biglang bumilis ang tibok ng puso nang tayo'y unang magkatagpo. sa kaba at lito ay nalimutan ko itanong man lang ang pangalan mo. mula noon ay di na natahimik ang ngiti mo ang laging nasa isip. kailan kaya muling masisilayan ang ganda mong kay hirap talikdan? pati sa pagtulog, napapangarap ka. ewan ko ba... anong nadarama ibaling man sa iba ang pagtingin ikaw pa rin ang hangarin ngunit dumating ang di inaasahan ako't ikaw ay nagkabanggaan nagkatinginan... o kay liit pala ng mundo! di man ituro ang daang patungo kung magkapalad ay talagang magtatagpo ang pag-ibig sadya ngang ganito.