Posts

Showing posts from October 5, 2008

Kapara

Image
ika'y mistulang dagat na kay lalim arukin. sa 'yong kababawan, lagaslas sa dalampasigan. sa pag-ihip ng hangin, alon mo'y naglalambing. laman ng 'yong isip ay kay hirap sisirin. taglay mong katangian ay likas na kayamanan. dulot ay kagalakan sa tanang nasisilayan. subalit kung marungisan ng salot at karimlan, sadya ngang kalupitan ang tinamong kasawian. isang bangkang naglalayag sa pusod mo'y napadpad. kalinga mo'y di sumapat lumayo at tuluyang umusad. kay gandang pagmasdan ang iyong kalawakan salamin sa kalangitan lihim na sinulyapan. sa paglubog ng araw and tana'y naghihintay. buwan ang kaulayaw hanggang sa bukang-liwayway. Images not mine