Posts

Showing posts from September 21, 2008

Magmahal

Image
paano ba ang magmahal? madaling sabihin, subalit mahirap gawin may bawat dahilan iba't-iba ang paraan. damdamin mo ngayon maaaring di na bukas... ngunit para sa ilan totoong walang wakas. magmahal, kapag natutunan dapat handa kang masaktan. makasarili ka man o sadyang mapagparaya... mundo mo'y walang kulay kundi gagamitin pusong may kaugnay. sa isipang makitid, di marunong umunawa minsang pagkakamali'y walang kapatawaran. bahagi na ng isang malawak na pagtingin... ang magtiis ano man ang sapitin. katangahan para sa iba, kaligayahan para sa kanya. may mga tanong, sagot din ay bakit. hindi matiyak ang tunay sa hindi pagod nang makinig sa mga pangako. umasa na lang kung darating pa nga. saan papunta ang daang tinungo mo? ginustong gumamit sa halip na umibig. naging manhid at maramot makasarili at mapag-imbot. bakit di lang dapat isa ang magdurusa't mabibigo? ganyan ba talaga ang magmahal nang tunay? kahit na mali ay