Kapara
ika'y mistulang dagat
na kay lalim arukin.
sa 'yong kababawan,
lagaslas sa dalampasigan.
sa pag-ihip ng hangin,
alon mo'y naglalambing.
laman ng 'yong isip
ay kay hirap sisirin.
taglay mong katangian
ay likas na kayamanan.
dulot ay kagalakan
sa tanang nasisilayan.

subalit kung marungisan
ng salot at karimlan,
sadya ngang kalupitan
ang tinamong kasawian.

isang bangkang naglalayag
sa pusod mo'y napadpad.
kalinga mo'y di sumapat
lumayo at tuluyang umusad.

kay gandang pagmasdan
ang iyong kalawakan
salamin sa kalangitan
lihim na sinulyapan.

sa paglubog ng araw
and tana'y naghihintay.buwan ang kaulayaw
hanggang sa bukang-liwayway.

Images not mine
dapit hapon ang pinaka gusto kong tanawin sa dagat, ang ginintuang silahis ng araw na humahalik sa tubig at nag-aagaw na liwanag at dilim sa kalangitan ang nagbibigay pag asa sa akin na bawat problema ko ay mayroon katapusan at meron inaasahang liwanag sa pagsikat ng araw kinabukasan
ReplyDeleteMaganda ang iyong tula at nadala mo kami sa dagat, sa kalikasan, sa araw, sa dapit hapon at gabi.
ReplyDeleteGanda po ng tula niyo, at ako'y na akit sa mga magandang larawan ng dagat. :)
ReplyDeleteAng kalikasan ay natural na maganda kaya's sana ito'y mapangalagaan ng mabuti.
ReplyDeleteAng ganda ng tula. Nature speaks so much. It is like you're dreaming. This is the best poem I've ever read. Seriously, I was captured with the photo used here. It is not an easy matter to express so well without images on it. Right?
ReplyDeleteSaludo ako sa iyong tula. Nailarawan mo ng husto ang kagandahan ng atin kalikasan. Mula sa bukang-liwayway hanggang takip-silim. Isa lang ang pinag-iisipan ko. bakit ginamit mong pamagat ang 'kapara'. Nais mo bang mahiwagaan ang iyong mga tagabasa? Ako'y pinag-isip , ano ba ang kahulugan ng salitang ito.
ReplyDeleteGood stuff, almost a pure photo/poetry blog article :) Well-chosen pictures for each stanza's message, I gotta say.
ReplyDeleteNature, sunset, both brings inner joy to those who appreciates it. The sunset brings hope for a better tomorrow. Nature at its best, never fails to reminds us to appreciate whatever we have in our life.
ReplyDeleteNakaka-miss ang mga ganyang view. Sa sobrang busy ng lifestyle ngayon, lalo na ang tulad kong empleyado sa araw at blogger sa gabi, madalas digital na lang ang mga sunsets.
ReplyDeleteat salamat sa Poong May Kapal.. ako'y buhay!:))
ReplyDeleteAng kagandahan ng kalikasan ay sadyang inspirasyon upang makagawa ng isang napakagandang tula katulad nito.
ReplyDeleteang ganda ng tula with matching picture. parang naimagine ko na ng walang kahirap-hirap.
ReplyDeleteGaling! Di ako nakakagawa ng ganyang poems... di ba mahirap gumawa ng tagalog? I love the photos!
ReplyDeleteWala pa ring tatalo sa Pinas sa kagandahan.
ReplyDeleteGaling ng tula! Ganda din ng mga pictures, sakto sa bawat salitang iyo'ng binitiwan Parang gusto kong lumangoy sa dalampasigan. =)
ReplyDeleteAng ganda naman ng tula :) Nainspire ako..
ReplyDeleteI've always loved the sunset. It has this significant meaning to me. Thanks for the beautiful photos and poems :)
ReplyDeleteNapaka-lalim Ms. Marri. Hangang-hanga talaga ako sa pagsusulat mo ng mga tula. :)
ReplyDeletewow! kudos to you! galing ng tagalog mo! ang deep! :)
ReplyDeletethanks also for posting photos.
nakakapanibago, lumulutang ang isip ko!
ReplyDeletei always admire those who can make meaningful poems in our dialect..deep tagalog words are very difficult to incorporate in a poem...very nice..Yahweh bless
ReplyDeleteNature can really convey what our true emotions are. such an expressive poem.
ReplyDeleteAng kalikasan ay maraming pwedeng maidulot sa atin, una, ito'y nagbibigay buhay, pangalawa, maaari itong magbigay ng inspirasyon, tulad ng nangyari sa iyo.
ReplyDeletePangalagaan ang kalikasan.
I love that word, Kapara! Haven't heard of it for long....love the images and poem!
ReplyDelete