Huling Kabanata
ang tanging pangarap ko.
Tinangay ng hangin
tinaboy sa malayo.
Nasaktan ang damdamin
takot nang mabigo.
Natitirang pag-asa'y
bigla pang naglaho.

Ilang beses nang bumuo
Inakalang matatag
matibay ang pagkakatayo.
Nadaanan lamang
ng mahinang bagyo,
nabuwal ang haligi't
kisap-mata'y gumuho.

Kailan ba matatapos
matagal na paghihintay?
May dahilan pa kaya
ang magtiwala ng tunay?
Matatagpuan pa kaya
ang tinakdang kaugnay
nitong pusong sadyang
nawalan nang malay.

(Photos from the web)
Such a simple poem yet truly reveals one's emotions.
ReplyDelete