Kung Di Lang Ikaw

Image from the web

Sa bawat tibok ng puso
Walang ibang nais madama
Kung di ang lagi kang makasama.
Sa bawat ngayon at bukas
Walang nais pag-alayan
Ng tunay na pagmamahal.
Sa bawat pintig ng kaibuturan
Walang ibang hanap
Kung di ang haplos ng iyong kamay.
Sa bawat takip-silim
Walang ibang nais paglingkuran
Kung di ang iyong kaharian.
Sa bawat pagpatak ng ulan
Walang ibang inasam makapiling
Kung di ang buo mong katauhan.
Sa bawat ihip ng hangin
Walang ibang yayakap
Kung di ang init ng iyong yapos.
Sa bawat pangarap
Walang ibang tutupad
Kung di ang mabuhay sa piling mo.
Sa bawat sandali
Sa bawat pagbukas ng mga mata
Sa bawat paglubog ng araw
Kung di lang ikaw...
Puso ko'y titigil sa pagpintig.
Kung di lang ikaw...
Di na lang iibig.