The REASONS why I wake up in the morning


To see those eyes like bright stars
twinkling and sparkling 
To watch them take every step
moving forward
and let them
value their past that made them
who and what they are.
To feel their hearts throbbing
for joy
Their happiness is more than
 a dream come true.
To share with them the precious
lessons I learned
that will guide them to
their journey in life.
To hear their laughter
not tearful sobs
Their misery may break my heart
into pieces.
To offer them my warmest
hugs when they shiver
when coldness prevail in the
darkness of night.
To taste the sweetness 
of words they may utter
Their actions may not sound
as labor of love
Yet a sudden embrace or
an ambush
kiss on the cheek
may mean a big thing
that can crush an icy situation
with a burning madness.
To smell the scent of their presence
inside my heart and soul
 They are the reason why i
wake up every morning of everyday
My senses are actively working
because they exist in my life
For without these eyes...

I may not gaze upon the moon slowly illuminating

I may not acknowledge blinded truths from visible lies

I may not inhale freshness and breathe out anxiety

I may not listen more and speak less

I may not savor every detail of life can offer
and taste success without the fame.

NOW...
tell me about your
REASONS
why you wake up in the morning?


Repleksyon...


malayo ang tingin


Hinubog ng mga kamay
Nililok sa kawalang-malay.
Ang taglay na talino'y
kaloob ng Maykapal.
Pinuhunan ay pagsisikap
Ang tubo ay karangalan.
Natatanging inspirasyon sa lahat ng tagumpay,
Ay ang binhing nagbigay ng
payak na buhay

At sa mahabang paglalakbay,
May aninong sumasabay.
Saan patutungo ang daang napili?
Dinanas ay sakit at
at sanlaksang pighati.
Bato at buhangin
sa binistay na pagkatao,
Umahon sa pagkalunod...
Bumangon sa pagkabigo.


malalim na pag-isip


Sa pagdaloy ng agos
sa ilog ng karimlan
Hinagupit ng alon, humampas sa likuran.
Lumuha ng lubos
sa natamong kalupitan.
Sa mundong naiiba at
hindi pangkaraniwan.


Sadya nga yatang tadhana'y mapagbiro
Kung sino ang hanap ng puso
ay tila nagtatago.
Patuloy na maglalayag...
Walang tigil na kakampag.
Hanggang matunton
ang himig na katugon.


patuloy na paglalakbay


Malayo-layo na rin
ang narating ng mga paa.
Malawak na rin ang
sisidlan ng kaisipan.
Unti-unti nang nababakas sa mga mata
ang pag-asang
magbubuo sa
nawasak na katauhan.


At ngayon ay handa nang sagupain
ang mas matatarik na bangin.
Buong loob na sisisirin
mga balong malalalim.
Upang ang anino sa tubig
ay makitaan ng ngiti...
Tunay na kagalakan ang ipinapahiwatig.