Kung Di Lang Ikaw

Image from the web

Sa bawat tibok ng puso
Walang ibang nais madama
Kung di ang lagi kang makasama.
Sa bawat ngayon at bukas
Walang nais pag-alayan
Ng tunay na pagmamahal.
Sa bawat pintig ng kaibuturan
Walang ibang hanap
Kung di ang haplos ng iyong kamay.
Sa bawat takip-silim
Walang ibang nais paglingkuran
Kung di ang iyong kaharian.
Sa bawat pagpatak ng ulan
Walang ibang inasam makapiling
Kung di ang buo mong katauhan.
Sa bawat ihip ng hangin
Walang ibang yayakap
Kung di ang init ng iyong yapos.
Sa bawat pangarap
Walang ibang tutupad
Kung di ang mabuhay sa piling mo.
Sa bawat sandali
Sa bawat pagbukas ng mga mata
Sa bawat paglubog ng araw
Kung di lang ikaw...
Puso ko'y titigil sa pagpintig.
Kung di lang ikaw...
Di na lang iibig.


23 comments:

  1. The last two lines were beautiful.. I feel the same way towards my significant other. =)

    ReplyDelete
  2. di ba't tunay na kaysarap umibig at ibigin? kung ang lahat nga daw ng tao sa mundo ay mabubuhay sa pag-ibig, walang mamumugad na kasamaan :)

    ReplyDelete
  3. awww, this is so touchingly sweet. Reminds me of the kind of love that my husband and I have right now.:)

    ReplyDelete
  4. This is so sweet.. :) I'm not really a very romantic person, but I feel the last 2 lines too whenever I'm in love :)

    ReplyDelete
  5. This is sweet. Hubby and I are not much of a wordy couple but poems like this are really touching.

    ReplyDelete
  6. Awww .... what a beautiful poem. Thanks for letting us into your heart and sharing!

    ReplyDelete
  7. Someone should make this into a song! Really nice.

    ReplyDelete
  8. tis' so lovely!!! love for everyone! xx

    ReplyDelete
  9. NAPAKAGANDA NAMANG TULA NITO KAKAINLOVE

    ReplyDelete
  10. You are always superb basta mga poems Marri :) Ganda as always :D

    Herbert

    ReplyDelete
  11. Lovely poem. Ganda talaga ng mga tulang Filipino. Really touching. Straight from the heart :)

    ReplyDelete
  12. this could be a beautiful song :)

    ReplyDelete
  13. I'm missing writing poems tuloy! Anyway, ang ganda neto :)

    ReplyDelete
  14. Aw! I like how the words rhyme. kaya lang sis at this point in my life di ko ramdam or I feel hopeless sa ganyan aspect in life.

    ReplyDelete
  15. This is the most lovely lyrics that touched my heart: Sa ....bawat pangarap
    Walang ibang tutupad
    Kung di ang mabuhay sa piling mo...

    ReplyDelete
  16. the first thing i noticed is your great french manicure! wow!!!

    and is that a song? my gosh, i feel so in love! =)

    ReplyDelete
  17. nice but i don't know the song...or is it even a song?

    ReplyDelete
  18. Naks! It reminded me of my wife's song for me. ^_^

    ReplyDelete
  19. sweet! Reminded me too of the song ikaw...

    ReplyDelete
  20. awww ka sweet naman!! will copy and paste this and email it to my fiance! hehe ;))

    ReplyDelete
  21. Perfect! Very smooth ang flow at nailahad lahat ng damdamin ng may akda.

    ReplyDelete

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!

Share This