Magkapalad


CREDITS

biglang bumilis ang tibok ng puso
nang tayo'y unang magkatagpo.
sa kaba at lito ay nalimutan ko
itanong man lang ang pangalan mo.
mula noon ay di na natahimik
ang ngiti mo ang laging nasa isip.
kailan kaya muling masisilayan
ang ganda mong kay hirap talikdan?
pati sa pagtulog, napapangarap ka.
ewan ko ba... anong nadarama
ibaling man sa iba ang pagtingin
ikaw pa rin ang hangarin
ngunit dumating ang di inaasahan
ako't ikaw ay nagkabanggaan
nagkatinginan...
o kay liit pala ng mundo!
di man ituro ang daang patungo
kung magkapalad ay talagang magtatagpo
ang pag-ibig sadya ngang ganito.