Magkapalad


CREDITS

biglang bumilis ang tibok ng puso
nang tayo'y unang magkatagpo.
sa kaba at lito ay nalimutan ko
itanong man lang ang pangalan mo.
mula noon ay di na natahimik
ang ngiti mo ang laging nasa isip.
kailan kaya muling masisilayan
ang ganda mong kay hirap talikdan?
pati sa pagtulog, napapangarap ka.
ewan ko ba... anong nadarama
ibaling man sa iba ang pagtingin
ikaw pa rin ang hangarin
ngunit dumating ang di inaasahan
ako't ikaw ay nagkabanggaan
nagkatinginan...
o kay liit pala ng mundo!
di man ituro ang daang patungo
kung magkapalad ay talagang magtatagpo
ang pag-ibig sadya ngang ganito.



4 comments:

  1. sabi ng matatanda ang bawat palayok ay mayroong kaparis na sunong, dadating ang tunay na kabiyak ng puso kahit hindi hanapin :)

    ReplyDelete
  2. Mayroon nga mga bagay na tila nakatadhana na ngunit ako pa rin ay naniniwala na hawak natin ang kapalaran natin.

    ReplyDelete
  3. kaya naniniwala ako sa destiny. di man nabigyan ng chance nung una time will eventually come for two people to meet again.

    ReplyDelete
  4. I on the other hand don't believe in destiny - I just believe in the choices, the freewill God has given us - our choices define everything...

    ReplyDelete

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!

Share This