Magmahal


paano ba ang magmahal?
madaling sabihin, subalit mahirap gawin
may bawat dahilan
iba't-iba ang paraan.
damdamin mo ngayon
maaaring di na bukas...
ngunit para sa ilan
totoong walang wakas.




magmahal, kapag natutunan
dapat handa kang masaktan.
makasarili ka man
o sadyang mapagparaya...
mundo mo'y walang kulay
kundi gagamitin
pusong may kaugnay.
sa isipang makitid,
di marunong umunawa
minsang pagkakamali'y
walang kapatawaran.
bahagi na ng isang malawak
na pagtingin...
ang magtiis ano man
ang sapitin.
katangahan para sa iba,
kaligayahan para
sa kanya.




may mga tanong,
sagot din ay bakit.
hindi matiyak ang tunay sa hindi
pagod nang makinig
sa mga pangako.
umasa na lang
kung darating pa nga.
saan papunta ang daang
tinungo mo?
ginustong gumamit
sa halip na umibig.
naging manhid at maramot
makasarili at mapag-imbot.
bakit di lang dapat isa
ang magdurusa't
mabibigo?
ganyan ba talaga
ang magmahal nang tunay?
kahit na mali
ay ginagawa pa ring tama
katumbas ng isang pangarap
ang makapiling kang lagi.
kapag nawala sa paningin,
tila isang masamang
panaginip.



nasa ikli ba
o haba ng pagsasama
ang sukatan kung paano magmahal
nasa dalas ba ng pagkikita
o minsang paghihiwalay?
di ba't sa kabuluhan
ng bawat sandali...
at sa tibay na namagitan
mananatili ang pag-asang
magsasama habambuhay


No comments:

Post a Comment

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!

Share This